Wednesday, September 29, 2010

PLDT - Ano na ang nangyari?

PLDT - Ano na ang nangyari? 

Ngayon ay Setyembre 30, taong 2010, ika-apatnapu't dalawang taon simula ng ako ay maging empleyado sa kumpanyang ito noong Setyembre 30, taong 1968, ginawa ko ang blog na ito para sa mga dati kong kasama na karamihan ay namayapa na, at yung iba pang mga buhay ay tiyak na mga Senior Citizens na din na katulad ko.

Buhay na buhay pa sa isipan ko yung una naming pagkikita ng aming boss na si Don Ramon Cojuangco noong unang taon ko sa PLDT, sa pagdaraos ng unang "Christmas Party" na nadaluhan ko, Disyembre 18, taong 1968, siyempre may pagka baby face ako kaya nagtaka siya at lumapit sa akin at nagtanong ng anong pangalan mo iho, ilang taon ka na ba, matutulungan mo ba ako na palaguin ang kumpanya natin...siyempre nagulat ako, di ako sumagot sa edad at sabi ko, jimmy po at gagawin ko lahat ang aking magagawa para ho tumulong sa inyo....biro ninyo ang may-ari ng kumpanya, lumapit sa akin at nagtanong kung ako daw ay makakatulong sa pagpapalago ng kumpanya.......


Tapat sa aking sinabi, ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para makatulong sa pagpapalago ng kumpanya....noong unang unang taon sa aking pagtratrabaho, lagi akong nagpriprisinta kung may mga bagong pagsasanay o refresher course sa PLDT.....at sa awa at tulong ng ating "DIYOS" unti-unti akong natataas ng puwesto kahit na wala akong kolehiyong natapos na maipagmamalaki.....


Nang pumanaw sa sakit ang aming boss sa napakabatang edad......."Foreman" na ako, ibinulong ko na lang sa hangin na hindi ako magbabago sa aking sinabi sa kanya.....


Masaya ang PLDT, dito ko nakita ang mga tunay na pagmamahalan ng mga magkakaibigan, napakadami kong kaibigan dito, maraming inaanak sa kasal, lalo na sa binyag...huwag kang magkakamali na subukang awayin ang isa sa mga magka-kaibigan dito at tiyak na mapapahamak ka.....ang sinasabi ko ay yung mga hindi empleyado na magkakamali. At sabi ko sa sarili ko, dito na sa kumpanyang ito ako aabutin ng pagtanda....pero nagkamali ako.


Section Head o junior executive na ako noong umalis ako sa PLDT noong February 28, 1997, 10 years akong nagiintay sa puwestong aangatan ko (Pasado sa MIT at Panel Interview) pero di naman ako nagdaramdam dahil mas makakalapit ako sa mga empleyado kumpara sa aangatan ko, dahil ako lang yata ang may puwesto na kahit janitor kina-kaibigan ko....dahil nakita ko yun sa boss ko na ina-idol ko....dahil sa simple lang na pagtatanong sa akin....


Maniniwala ba kayo sa akin kung sasabihin kong sampung (10) parangal ang aking natangap sa huli kong sampung taon na ibinigay ng PLDT, pito (7) dito ang "Meritorious", at maniniwala din ba kayo kung sasabihin kong apat (4) na Union strike ang hindi sumama ang mga tauhan ko, kaya nabansagan din akong Union buster pero di naman ako nagi-grievance dahil yung mga tauhan ko ang nagtatanggol sa akin......


Sa madaling sabi, mahal na mahal ako ng mga tauhan ko dahil alam nila ang suportang ibinibigay ko sa kanila sa sandali na sila ay nagkaka-problema sa mga superbisor ko, isa lang naman sinasabi ko sa bisor kung gusto nilang mag-suspendi ng mga tauhan, iyon ay "Parang hindi kayo dumaan sa katayuan nila", hindi natin ito pag-aari, lahat tayo trabahador lang kaya huwag kayong mag-astang hari", ang gusto ko dito due-process, irekomenda mo at tignan natin kung dapat nating suspendihin.....napakarami din kasing nasuspendi ng walang due process kaya yun ang ayaw ko, mga nakikita ko at nababalitaan noong ako ay nasa mababa pa o rank n file......

Sa pamagat o tanong natin na "PLDT - Ano na nagyari?", ay nakabuod sa larawan sa itaas, sabagay marami ng telephone provider ngayon pero noong umalis ako nandiyan na din sila....alam ninyo ba na sinususpendi namin ang mga supervisor na nakatalaga sa isang lugar kung makakita kami ng katulad ng mga linya sa larawan......ang mga "Section Head" noong panahon ko sa lahat ng lugar ng PLDT ay nagkakaisa at nagtatanungan, magkakaibigan kami kaya halos iisa lang ang panuntunan namin na ipinatutupad...... 


Bakit ba ako umalis sa PLDT na halos lahat na ng mga matitino ay sumabay sa akin, bente sais (26) ang kaibigan ko na nag-resigned kasabay ko, dahil ba sa pera o prinsipyo?


Hindi pera dahil malaki naman ang pasuweldo sa amin bukod sa may mga service car kami na libre gasolina na naiuuwi kaya walang problema....ito po ay dahil sa prinsipyo.....


Sa pagpasok ng mga kontraktor sa PLDT ay nabago ang mga pananaw ng mga amo ko tungkol sa kapatiran at pagmamahalan ng bawat isa....nawala yung aming mga mission at vision, yung kanta naming "One day, One Island" ay biglang nag-collapsed at muling naghiwa-hiwalay.....


Malaki ang puhunan namin sa pagpapalago ng PLDT, ang buhay namin ay laging naka-bingit sa panganib, apat na beses akong nahulog sa poste, isang beses akong na-ospital, dalawang beses akong muntik tamaan ng kidlat, isang beses akong muntik nakoryente, kung hindi ako maingat at hindi tinutulungan ng ating "Diyos", wala akong nagsusulat ngayon.....


Sa pagpasok ng mga kontraktor ay hindi na ako nasusunod sa departamentong hinahawakan ko, pag pinuna mo ang mga mali nilang ginagawa (Kontraktor), ay nagsusumbong pa sa nakatataas, sa madaling sabi nakokontrol na nila ang pamamalakad sa PLDT dahil nakakapagsuhol.....ang mga tauhan ko walang magawa dahil gusto sila na lang ang gagawa, maganda ang planta ko kaya naglalakwatsa na lang mga tauhan ko na hindi ko masikmura pero wala akong magawa......


Ang hindi ko matangap ay ang mga salitang ito ng AVP ko.....Jimmy, pagawa mo na lang sa mga kontraktor ang instalasyon at yung repair na lang pagawa mo sa mga tauhan mo......kundi man talagang bugok ito e isandaan at siyam ang tauhan ko tapos repair lang ang papagawa, na wala pang sampu araw-araw, isang tao lang ang gagawa, ano gagawin ng siyento otso?


Isa pa na isang dahilan ng pag-alis ko sa kumpanyang ito, sabi naman ng Senior Manager ko......Jimmy, tumawag yung FVP natin, sabi sa kontraktor mo na lang pagawa ang cut-over natin, sundin mo ito at ayaw kong makainitan at dahil gusto ko pa trabaho ko........e di hindi siya nakasagot sa sinabi ko .....bakit hindi ba trabaho ginagawa natin at kakainitan ka....sabihin mo ako ang may gustong tauhan natin at yung isang kontraktor natin na ayaw ninyong papasukin dito ang gagawa nito dahil naplano na namin ang mga gagawin at maraming departamento ang involved dito, gusto ninyo umpisahan ko ulit....at sa kontraktor na gusto ninyo......pag sa loob ng isang linggo at hindi ninyo sinabing ituloy ko na ito ay magre-resign ako......dahil walang bay..  yung SM ko kaya itinuloy ko ang pagre-resigned......pagkatapos ng isang linggo.....minsan mahirap din ang ma-prinsipyo...


Sa ibinigay na despidida sa akin ng mga tauhan ko, nagkamaling dumating yung dalawang SM at isang AVP.....naturalmente naka-inom, inilabas ko lahat ng hinanakit ko, nang magsalita ako umiiyak ako......nabanggit ko yung namayapa kong boss....yung pangako ko sa kanya...yung naisip ko na doon na ako tatanda....pero sa isang iglap dahil sa kagahaman sa pera ng mga nanunungkulan....nawala lahat ito, at sabi ko pa........ako walang record na sumira sa imahe ng kumpanya natin, kayong tatlo hindi kayo magre-resign na katulad ko, tatangalin kayo sa puwesto ninyo dahil sa pinaggagagawa ninyo.........aba sumagot pa yung isa ng.....Jimmy, lasing ka na, hindi mo na alam sinasabi mo....he he lasing ah, sabi ko naman, gusto ninyo bugbugin ko kayong tatlo para malaman ninyo na hindi ako lasing, masama lang ang loob ko sa inyo......nagtayuan at umalis dahil alam nila ang kalibre ko......, yung mga tauhan ko, nagkandaiyak hindi dahil aalis na ako, kung hindi sa katatawa....


After two (2) years dahil sa nagpalit na din ng administrasyon sa PLDT ay natangal nga sila, nabisto na din siguro.....at tsismis, ako pa yata ang napaghinalaan na nagpatangal...e nagpalit na nga, may koneksiyon pa ba ako, wala na nga e....


Sa mga hindi nakakaalam sa mga dati kong kasama sa PLDT, ang asawa ni Mr. Tony Boy Cojuangco ay pinsan ng hipag ko, at ang kanyang pinagkakatiwalaan na EVP ay kumpare ko kaya kung ako ay bengador na tao, hindi ako magre-resign at patatangal ko na lang sila, di ba?


Ang boss kong si "Tony Boy" ay isang mabait na tao, mana sa tatay niya at hindi ako naniniwalang involved siya sa Jueteng, isang "Character Assassination" lang ang ginagawa sa kanya....dahil lang siguro na pinsan niya ang Presidente, kasalanan ba yun? 


Ang tanong ko ngayon sa mga kasalukang empleyado sa PLDT, bakit ninyo pinapabayaan ang ating planta, na pinihunanan ng "Dugo at Hirap" ng mga naunang empleyado.....ang kailangan ng kumpanya natin ay "Malasakit" katulad ng ginagagawa natin noong araw....noong isang araw ay may bumagsak na naman kable sa Sampaloc, nasira ng nasira ang ating imahe sa publiko......marami pa kayo at marami pa kayong magagawa, ibangon ninyo ang kumpanyang nagpaaral sa ating mga anak at nagbigay ng ating mga bahay......kilos mga kapatid!!!!!

Ang mga sira na ninyong telepono ngayon ay inaabot ng isang linggo bago magawa, minsan lagpas pa, noong panahon namin na nandidiyan na din kayo, inaabot ba ng dalawangpu't apat na oras ang isang sira, hindi naman di ba? 


Pag nasiraan tayo ng kable, kailangan pa i-report mo sa NTC pag lumagpas ng dalawang araw ang sira di ba, bakit noong minsan dito sa may Valenzuela, mahigit isang buwan bago nagawa iyong kable, wala na bang magaling na kablero diyan sa atin ngayon o inaasa na lang sa mga kontraktor na hindi naman yata nag-training gumawa.....isa pa, dito sa amin sa Bancal Ext., Meycauayan, sakop ito ng Malolos, may isang pay station dito na inilagay magdadalawang taon na ngayon....pero kahit na huni ng dialtone wala pa, at hindi yata nairekord ng kontraktor, ilang pay station ba ang ganito....alam ba ninyo na nasasaktan ako sa nangyayaring ganito kahit na wala na ako sa PLDT, mahal ko ang iniwan kong kumpanya......kayong mga naiwan, wala ba kayong malasakit sa inyong kumpanya?


Sa ngayon naman na aking katayuan sa buhay ng pag-alis ko sa kumpanya, nag-kontraktor ako sandali, pero hindi ko kaya ang lagayang nangyayari kaya nawawalan ako ng project, hindi ko kaya ang mga ganitong sistema, taong 2000 ako huminto ng pangongontrata, dahil sa nangyaring trahedya sa "Payatas" binitawan ko lahat ng bagay tungkol sa telepono, at sabi ko sa sarili ko, gagamitin ko na lang ang natitira ko pang buhay sa pagtulong sa ating kalikasan at naghihirap na kababayan....


Sa mga makakabasa nito na dati kong mga kasama sa PLDT, ang inyo pong kaibigan ay naging isa ng "Makakalikasan" at inbentor na humihingi din sa inyo ng tulong, hindi pera, kung hindi suporta, kung gagastos kayo sa Foundation ay maisosoli din sa inyo, dahil ang Foundation natin ay non-profit pero may mga produktong pangkalikasan,........pagtulong-tulungan na nating isalba ang ating kalikasan....huwag ninyong sayangin ang natitira pa ninyong lakas at talino sa inyong mga bahay lang, madadali lang lalo ang inyong mga buhay......kung ano man ang mga naging problema natin noon ay kalimutan na natin.....papalakasin ko pa kayo at bibigyan ng mahabang buhay kung kayo ay maniniwala sa akin........salamat sa lahat ng nagbasa, at kung may mga kamag-anak kayong dating nagtra-trabaho sa PLDT ay pabasa ninyo ito.......GOD Bless po sa lahat!


Jaime (Leandro) F. Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.


Paunawa - Mangyari pong paki-klik ang mga link sa ibaba ng "Miyembro Pilipino" sa itaas, kanan para sa mga karagdagang impormasyon para sa pagmimiyembro, at makita din ang ating website! - GSGWFI